Jean, ‘di nakalimot
Nagulat ako nang makatanggap ng text mula kay Jean Saburit. Sa tagal ng panahon hindi ko narinig, nakita at nakausap si Jean akala ko nasa US siya o nag-migrate sa abroad.
Isa si Jean na sosyal na star noong araw, kaya natuwa akong makatanggap ng text mula sa kanya.
Siguro nga dahil naging malapit din ako sa kanila ng mommy niya kaya naisipan niyang magkaroon ng communication ngayon sa akin. So touching na sila ng barkada niyang si Laarni Enriquez nag-aalok ng tulong sa akin.
Bongga na talaga ako. Para bang feeling ko lahat gusto akong tulungan kaya naman naniniwala ako na gagaling ako dahil sa rami ng nagmamahal sa akin. So thankful and grateful talaga.
Na-miss ko tuloy si Manay Ichu Maceda na tiyak kong nandito pa unang-una rin mag-aalok ng tulong.
Nanette, naabot ang mga pangarap
Talagang teary-eyed ako nang paalis na si Nanette Medved nang dalawin niya ako sa hospital kahapon ng tanghali. Talagang ‘yung oras na binigay niya sa akin parang ang laki ng halaga dahil sa alam ko kung gaano siya ka-busy.
Talagang so proud ako sa naabot at narating ni Nanette. Quiet ang kanyang married life, maayos niyang napalaki ang kanyang mga anak na mukhang artistahin pero pag-aaral ang priority.
Nasa US ang kanyang panganay para sa college education. Isa pang maganda, nasa care ni Nanette ang kanyang mother kaya very content ang feeling niya. Alam mo ba ‘yung feeling ng isang nanay na makitang maayos ang kalagayan ng kanyang anak, iyon exactly ang feeling ko kay Nanette.
Iyon ang saya mo na makita na maganda ang buhay niya, na naabot niya ang mga pangarap niya.
- Latest