^

Police Metro

Sunshine, ‘di na priority ang lalaki   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Sunshine, ‘di na priority ang lalaki              
Sunshine

Happy ang thankful si Sunshine Cruz na puno ang sche­dules niya this 2022, na nasabay sa breakup niya with former boyfriend Macky Mathay. 

Pero ayaw raw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanyang love affairs, na ayaw rin naman daw niyang kalimutan dahil may mga natutunan naman siya sa kanila at “they helped in making me a better person. Love is not a priority for me, I just want to focus on my work. Sa ngayon, I can say na I’m very happy. I have three new movies and I’m in a new TV series, so I cannot complain.”

Matatandaan na nang bumalik si Sunshine sa GMA 7, una niyang ginawa ang first episode ng Mano Po Legacy na collaboration nila sa Regal Films. Nasundan ito ngayon ng remake ng Underage na makakasama niya ang bagong cast na binubuo nina Lexi Gonzales, Elijah Alejo at Hailey Mendes.

Unang ginampanan ito noong 1980, nina Maricel Soriano, Snooky Serna at Dina Bonnevie. Sa tatlong actress, si Snooky lamang ang makakasama nina Sunshine. 

Mapapanood ang Underage sa GMA Afternoon Prime simula sa January 2023.

This Christmas, Sunshine will be with her three daughters at pupunta sila sa Bohol, kasama ang brother nilang si Diego at ang ama nilang si Cesar Montano, na kasama naman ang new partner nito.

Bakasyon muna si Cesar mula sa shoot ng Martyr or Murderer ni Director Darryl Yap for Viva Films.

Carla, nagbago ng image

New image raw si Kapuso actress Carla Abellana. Ito raw ba ang bagong Carla, after the breakup, sa latest post nito sa kanyang Instagram na comments nga ng netizens: “gorgeous, very beautiful, so hot and sexy, very young-looking, grabe sa ganda, diyosa,” pero bakit daw may sadness ang kanyang face, those eyes cannot lie.

Pero miss na raw ng viewers na mapanood naman si Carla sa isang teleserye, ang latest show niya sa GMA ay ang Halloween special nila last November.

Maria Clara…, may bagong award na naman

Congratulations sa top-rating GMA Primetime series, ang historical fantasy portal series na Maria Clara at Ibarra nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo. Ang serye ang tumanggap ng 1st Gawad Banyuhay Award para sa Programang Pang-edukasyon, held at the Manila Ballroom ng Manila Hotel last Monday, Dec. 12. Si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ang tumanggap ng award mula sa Dr. Carl Balita Foundation.

Patuloy na umaani ng papuri ang #MCI sa mga eksena at sa mahuhusay na acting ng mga artista, tulad ng talagang magagalit ka sa character ni Tirso Cruz III bilang si Padre Damaso.

SUNSHINE CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with