Pag-inom ng kape pagkagising masama sa kalusugan — eXpert
MANILA, Philippines — Inihayag ng isang eksperto na nakakasama umano sa kalusugan ng tao ang agarang pag-inom ng kape pagkagising.
Ayon sa mga eksperto, ang pag-inom agad ng kape makaraang gumising sa umaga o bago mag-almusal lalo na kung walang sapat na tulog ay nagdudulot ng matinding epekto sa blood glucose at hormonal balance.
“Individuals should try to balance the potential stimulating benefits of caffeinated coffee in the morning with the potential for higher blood glucose levels and it maybe better to consume coffee after breakfast rather than before” pahayag ni Harry Smith, ang health expert na nag-aral hinggil dito.
Batay sa pag aaral, ang hindi agad pagkatulog ay walang epekto sa glucose levels ng mga taong uminom ng kape sa gabi pero ang pag-inom ng black coffee bago mag-almusal o pagkagising ay tumataas ang blood glucose ng may 50 percent.
Ang blood glucose o ang asukal sa dugo ay pananggalang sa iba’t ibang uri ng sakit tulad ng sakit sa puso at diabetes.
Karaniwan umano na may 4 grams ng glucose ang taong may 70 kilogram ang timbang.
Tumataas anya ang level ng asukal sa dugo depende sa intake ng pagkain ng isang tao lalo na ng matatamis na pagkain o sugary foods.
- Latest