MANILA, Philippines — Dahil sa araw na ito ang ika-19 anibersaryo ng dyaryong Pang-Masa (PM) ay ibabahagi ko ang labing siyam (19) na bagay ang aking natutunan sa buhay na ito na kung tutuusin ay higit pa sa bilang na ito.
1. Dumaan sa mga pagsubok sa buhay.
Lahat naman ng tao dumadaan dyan. Ang buhay sa mundo ito ay may kaakibat na paghihirap.Dahil si Jesus Christ mismo na ang nagsabi sa John 16:33 na in this world you shall have troubles o tribulations.
2. Makakaya ang lahat ano man ang iyong pinagdaraanan.
Inisip ko noon mukhang di ata makakalagpas ah. Pero sabi ni Jesus But be a good cheer I have overcome the world. Kapit lang. Sa mga pinagdaraan natin tayo ay lalago kung di susuko.
3. ‘Wag isuko ang iyong mga pangarap sa buhay.
Hindi pa huli sa mga nais mong gawin sa buhay kahit na sa tingin mo na imposible na ata mangyari. Tuloy ka lang.
4. Sumandal din sa pamilya wag mong solohin.
Ang pamilya ay maituturing “greatest support system” sa buhay. Kung ano man ang iyong problema ibahagi din sa kanila dahil sila ang ibinigay sa iyo ng Diyos na maging kaakbay sa paglakad sa mundong ito.
5. Ang pakikipagkaibigan ay hindi nagtatagal.
Ika nga walang forever. Yung pinakamatalik mong kaibigan sa high school ay maaaring hindi mo na maging kaibigan kapag ikaw ay nasa kolehiyo.
Subalit kung mayroon kang matalik na kaibigan, wag mo na itong pakawalan dahil siya ang maaaring sandalan mo sa oras ng iyong pangangailangan.
6. Ang iyong kahinaan ay hindi tanda na ikaw ay mahina.
Isang mabuting bagay sa buhay na aminin na tayo ay may kahinaan.Hindi iyong tipong alam mo na ang lahat ng bagay.
7. Hindi lahat ng bagay ay dapat mong ihingi ng tawad.
Be yourself. Gawin ang isang bagay na nagpapasa sa iyo kahit sa tingin mo na pagtatawanan ka ng mga tao.
8. Magsasalita ka o habambuhay ka nang tatahimik.
Kung may isang bagay ka na hindi naiintindihan, magtanong. Kung sa tingin mo na mali ang ginawa niya sabihin wag tumahimik dahil uulitin niya uli yan.
9. Wag mahiya kung gusto mong sumayaw o kumanta.
Kung sa tingin mo pagtatawanan ka nila kung sasayaw ka o kakanta Go lang wag silang pansinin.Masarap ata ang maging masaya.
10. Ipaubaya ang lahat sa Diyos.
Mahal ka ng Diyos.Isuko sa kanya ang lahat ng iyong mga problema.Laging manalangin hayaan na ang Diyos ang kumilos.
11. May mga bagay na hindi nangyayari batay sa plano.
Magulo ang buhay sa mundo, pero wag ka nang sumunod pa doon sa mga tao mag-iba ka ng landasin. Ang buhay ay parang rollercoaster mas ok yan kaysa naman doon ang buhay ay parang sa kidding rides lang walang paglago.
12. Hndi lahat ng nakikita mo sa social media ay totoo.
Sa totoo lang hindi dapat paniwalaan ang lahat ng nababasa o napapanood mo sa social media ay totoo. Hanggat hindi mo nalalaman ang behind the scene.
13. Maikli lang buhay sa mundo para gawin ang isang bagay na kaya mong gawin o wag nang gawin dahil nahihiya ka.
14. Napakahalaga na laging magpasalamat.
Laging marunong magpasalamat sa lahat ng bagay. Rejoice always, pray without ceasing, in everything give thanks; for this is the will of God in Christ Jesus for you”(1 Thessalonians 5:16-18.
15. Walang permanente sa mundo.
Ito ang laging nagpapaalala sa akin. Ang sakit na aking naramdaman pisikal man o emosyanl ay lilipas din. Bagama’t ito ay tumatak na sa isip mo. Kahit na ang iyon kaaway o kaibigan, kayamanan ay hindi permanente.
16. Ano man ang nangyari sa iyong high school life ay hindi sisira sa iyong kinabukasan.
Aaminin ko mahina ako noong ako ay high school pa lalo na sa math, pero hindi ito naging hadlang para tumigil nagsikap para makapasa.
17. Hindi lahat ng bagay ay pwede mong pasukin.
Dapat pinag-iisipan din ang lahat ng bagay bago mo ito pasukin. Wag papaepal.
18. Magtiwala sa sarili
Yun lang ang maaari mong puhunan na magtiwala sa sarili at higit sa lahat ay sa Diyos. Gawin ang isang bagay na magpapasa sa iyo.
19. Ang ikalawang pagkakataon ay mabuti, pero pagbigyan mo rin ang iba.
Binibigyan tayo ng Diyos ng mga ikalawang pagkakataon sa iba’t ibang larangan. Pero kung hindi para sa iyo, ibigay mo sa iba.