^

Police Metro

Vhong Navarro pinayagang makapagpiyansa sa halagang P1 milyon

Danilo Garcia - Pang-masa
Vhong Navarro pinayagang makapagpiyansa sa halagang P1 milyon

MANILA, Philippines — Pansamantalang ma­ka­kalaya ang television host at actor na si Ferdinand “Vhong” H. Navarro matapos pumayag ang Taguig City Regional Trial Court (RTC) na makapagpiyansa sa kasong rape  na isinampa ng model na si Deniece Millinete Cornejo.

Sa kautusan na inilabas nitong Disyembre 5, 2022 ni Judge Loralie Cruz Dataman, pinayagan si Navarro na maghain ng P1 mil­yong halaga ng piyansa para sa pansamantalang paglaya.

“Wherefore, premi­ses considered, the petition for bail is hereby GRANTED. The bail of the accused for his provisional liberty is hereby fixed at One Million Pesos (Php 1,000,000.00),” saad ng kautusan.

Matatandaan na sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si Navarro makaraan na maglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa kaniya.

Unang nakulong ang aktor sa NBI Detention Center bago siya inilipat sa Taguig City Jail base sa kautusan ng korte. Nitong Set­yembre nang kasuhan ng Taguig Prosecutor’s Office si Navarro ng umano’y panggagahasa kay Cornejo noong Ene­ro 2014. Itinanggi naman ito ng aktor.

Sa sandaling mai­lagak ang P1 milyon na piyansa at maproseso na ang mga dokumento ay maaaring makalaya pansamantala ang aktor.

VHONG NAVARRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with