VP Sara tikom ang bibig sa tinapyas na confidential fund
MANILA, Philippines — “Tikom na ang bibig” ni Vice President Sara Duterte sa naging desisyon ng Senado na tapyasan ng P150 milyong confidential fund ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng inaprubahang P5.268-trilyong national budget sa 2023.
Ang katuwiran ni Duterte “We already stated our piece about the confidential funds during the hearing sa House of Representatives and sa Senate.”
Nabatid na bumaba sa P30 milyon ang confidential fund ng ahensiyang pinamumunuan ni VP Duterte, pero ang tinapyas na P120 milyon ay inilipat lamang sa Healthy Learners Institution Program ng DepEd.
Si Sen. Risa Hontiveros ang nagsulong ng pagtapyas sa confidential funds ng DepEd na kinatigan naman ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance.
- Latest