MANILA, Philippines — Sa kulungan na ng Taguig City Jail sa loob ng Camp Bagong Diwa, Bicutan mamamalagi ang aktor na si Vhong Navarro matapos na ito ay ilipat mula sa pagkakulong sa detention center ng National Bureau of Investigation (NBI).
Nakaditine sa Male Dormitory ng BJMP Taguig City Jail si Navarro makaraang lumabas na ang kaniyang medical examination at negatibong RT-PCR test results.
Ang paglilipat ng kulungan sa aktor ay matapos maglabas ng “commitment order” ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 na mailipat na ng detensyon si Navarro at iniutos sa NBI-Security Management Section noong Nob. 14.
Kahapon ng umaga, ineskortan na ng mga ahente ng NBI si Navarro patungo sa Taguig City Jail.
Nakulong si Navarro noong Setyembre sa NBI nang maglabas ng warrant of arrest ang korte ukol sa dalawang kasong rape na isinampa laban sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo.
Related video: