MANILA, Philippines — Magsisilbing caretaker muna ng bansa si Vice President at Education Secretary Sara Duterte habang si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ay nasa Thailand upang dumalo sa 29th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Kinumpirma ni Office of the Press Secretary Officer in charge Undersecretary Cheloy Garafil na gagampanan ni Duterte ang trabahong ito hanggang Sabado.
Dumating si Marcos sa Bangkok noong Miyerkules ng gabi, ilang araw matapos umuwi sa bansa mula Cambodia matapos dumalo sa ASEAN Summit. Ang Thailand at Cambodia ay magkatabi lamang.
Makakahalubilo ng Pangulo ang mga lider ng 20 bansa kabilang ang Estados Unidos, China, Japan at Australia.
Ang dala natin sa ganitong klaseng mga summit at mga meeting ay ang ating pangarap para sa magandang buhay. This is what we aspire for — a peaceful, prosperous Asia-Pacific region,” wika ni Marcos sa talumpati bago lumipad patungong Thailand noong Miyerkules.