^

Police Metro

P25 kada kilo ng bigas, mabibili sa Kadiwa ng Pasko stalls

Malou Escudero - Pang-masa
P25 kada kilo ng bigas, mabibili sa Kadiwa ng Pasko stalls
Sa paglulunsad ng Kadiwa ng Pasko project sa Mandaluyong City ay sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na proyekto ito ng pamahalaan para matulungan ang mga magsasaka at mga mamimili. Bukod sa murang bigas, mabibili rin sa mga Kadiwa ng Pasko stalls ang mga murang gulay at iba pang pagkain.
The STAR / Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Mabibili na ngayon ang bigas sa P25 kada kilo sa mga Kadiwa ng Pasko stalls sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa paglulunsad ng Kadiwa ng Pasko project sa Mandaluyong City ay sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na proyekto ito ng pamahalaan para matulungan ang mga magsasaka at mga mamimili. Bukod sa murang bigas, mabibili rin sa mga Kadiwa ng Pasko stalls ang mga murang gulay at iba pang pagkain.

“Palapit na tayo doon sa aking pangarap na mag-20 pesos pero dahan-dahan lang. Aabutin din natin ‘yan pero marami pa tayong gagawin. Eh ang dami pang nangyayari. At wala naman tayong magawa dahil ‘yung pagtaas ng presyo ng bilihin ay hindi naman nanggaling sa ekonomiya natin, nanggaling ‘yan sa mga pangyayari sa iba’t ibang lugar na hindi naman natin makontrol,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaan na noong panahon ng kampanya, nangako ang Pangulo na ibababa niya sa P20 ang presyo ng bigas kada kilo.

Labing apat na Kadiwa ng Pasko ang sabay-sabay na binuksan ngayong araw. Labing isa sa National Capital Region, isa sa Tacloban City, isa sa Davao De Oro at isa Koronadal City, South Cotabato.

vuukle comment

BIGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with