Mag-asawa sa Cavite timbog sa higit P254 milyong shabu

Ang mag-asawang Datu Ali Dayo Sampulna, 38; at Almira Karao Sampulna, 30, kapwa tubong Cotabato City makaraang masakote sa drug buy-bust operation at nasamsam ang nasa P254,800,000.00 halaga ng shabu.
Cristina Timbang

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust ope­ration ang isang mag-asawa na umano ay bigtime drug dealer na nasamsaman ng mahigit 37 kilo ng shabu, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, Cavite.

Kinilala ang naares­tong mag-asawa na sina Datu Ali Dayo Sampulna, 38 at Almira Karao Sampulna, 30, online seller kapwa tubong Cotabato City na kung saan ay narekober sa kanila ang mahigit sa 37 kilo ng shabu na aabot sa halagang P254,800,000.00.

Sa ulat, alas-7:20 ng gabi nang ilatag ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at PDEA ang operasyon laban sa mag-asawa sa kanilang bahay sa Happy Homes Subdivision ng nasabing barangay.

Nabatid na bago ang operasyon, nagkaraoon muna ng may ilang araw na surveilance ang pulisya laban sa mag-asawa at ng magpositibo ay inilatag ang operasyon

Kapwa nahaharap sa mga kasong Violation of RA 9165 for violation of RA 9165 ang mag-asawang suspek. — Doris Franche-Borja

Show comments