Mag-asawa sa Cavite timbog sa higit P254 milyong shabu
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation ang isang mag-asawa na umano ay bigtime drug dealer na nasamsaman ng mahigit 37 kilo ng shabu, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, Cavite.
Kinilala ang naarestong mag-asawa na sina Datu Ali Dayo Sampulna, 38 at Almira Karao Sampulna, 30, online seller kapwa tubong Cotabato City na kung saan ay narekober sa kanila ang mahigit sa 37 kilo ng shabu na aabot sa halagang P254,800,000.00.
Sa ulat, alas-7:20 ng gabi nang ilatag ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at PDEA ang operasyon laban sa mag-asawa sa kanilang bahay sa Happy Homes Subdivision ng nasabing barangay.
Nabatid na bago ang operasyon, nagkaraoon muna ng may ilang araw na surveilance ang pulisya laban sa mag-asawa at ng magpositibo ay inilatag ang operasyon
Kapwa nahaharap sa mga kasong Violation of RA 9165 for violation of RA 9165 ang mag-asawang suspek. — Doris Franche-Borja
- Latest