MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chaves na hindi umano maiiwasan ang pagtataas ng pasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), kahit ito ay hindi pa maisapribado.
Ayon kay Chavez, ‘inevitable’ o hindi talaga maiiwasan na magtaas ang pasahe ng MRT-3 kahit ang pamahalaan pa rin ang namamahala dito dahil na rin sa tumataas na singil sa kuryente at halaga ng mga spare parts nito.
Nabatid na ang planong isapribado ang MRT-3 ay upang mapaganda pang lalo ang serbisyo ay isa sa mga panukalang pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan bunsod na rin nang nakatakda nang pagtatapos ng build-lease-transfer contract ng Metro Rail Transit Corporation sa 2025.