Nabubuntis na tinedyer kumonti -- Popcom

Sa  datos, ang  Davao ay nakapagtala ng 13.6%  teenage pregnancies habang ang Bangsamoro Regions naman ay mayroong 10%. Hinikayat naman nito ang mga local chief executives na paigtingin ang pagsubaybay, pagbabantay at mga programa upang maka­iwas ang mga kabataan sa maagang pagbubuntis.
John Moore / AFP

MANILA, Philippines — Tinukoy ni Commission on Population and Development (POPCOM) officer-in-charge Executive Director Lolito Tacardon na ang masigasig na pagbabantay ng publiko at ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic ang mga dahilan kung bakit bumagsak ang bilang ng teenage pregnancies na naitala sa bansa.

Bumaba sa 6.8 percent noong 2021 ang nabubuntis na mga kaba­taan mula sa dating 13.7 percent noong 2013.

Pabor din ito sa ulat na ang pagbaba ng teenage pregnancies ay dahil sa pagbaba ng premarital sex engagement at maging ang pinahusay na paggamit ng contraceptives.

Gayunman, sinabi ni Tacardon na ang Covid-19 pandemic ay nakapagpakita ng extraordinary circumstances nang ang mga kabataan ay napilitan na manatili ng ilang buwan sa loob ng kanilang tahanan at nilimitahan ng gobyerno ang kanilang galaw matapos magpatupad ng lockdowns dahilan na rin upang maging limitado ang mga itong makisalamuha sa ibang tao.

Show comments