Health insurance sa mga guro isinusulong
MANILA, Philippines — Isinusulong ng isang solon ang pagkakaroon ng health insurance para sa mga public school teachers kasunod ng naging aksidente sa Bataan na kinasangkutan ng mga guro kung saan isa ang nasawi.
Ang nasabing mga guro ay mula sa Quezon City, nasa 141 public elementary at high school teachers ang dadalo sana sa gender and development activity sa Sinagtala Resort, Bataan, sakay ang mga ito ng 3 bus nang isa sa mga ito na may sakay na 48 pasahero ay nawalan ng preno at mahulog sa bangin.
Sa House Bill 4079 o Health Care for Public School Teachers Bill na isinusulong ni Quezon City Rep. Patrick Vargas na bigyan ng Department of Education (DepEd) ng health maintenance organization (HMO) insurance ang mga public school teachers.
Sa ilalim ng panukala ay aatasan ang DepEd na pumasok sa isang HMO contract para sa health insurance ng mga guro.
- Latest