^

Police Metro

Pekeng Army official reservist, timbog sa mga baril

Ed Amoroso - Pang-masa
Pekeng Army official reservist, timbog sa mga baril

MANILA, Philippines — Isang lalaki na nagpakilalang Army Colonel reservist ang inaresto ng mga otoridad matapos makumpiskahan ng anim na matataas na kalibre ng baril sa Nagcarlan, Laguna, kamakalawa.

Kinilala ni Col. Randy Glenn Silvio, Laguna police director, ang suspek na si Vincent Conejos, ng Parañaque City na nabigong magpakita ng mga dokumento na pag-aari niya ang anim na baril at mga bala at pagpapatunay na siya ay Army reservist.

Nabatid na nakatanggap ang Nagcarlan police ng impormasyon mula sa mga  concerned citizens na may nagpaputok ng baril sa Barangay Tipacan, noong Linggo, ala-1:00 ng hapon.

Kaya naman agad na tinungo ng mga otoridad ang lugar  at dito ay naharang nila ang suspek at nang siyasatin ang sasakyan ay nakita ang anim na M16 rifle, 2 handheld radio, 2 piraso ng  military uniforms, 4 piraso ng  military vest, military bandoler, dalawang piraso ng magazine na may lamang mga bala.

Nakatakdang kasuhan ang suspek ng indiscriminate firing at paglabag sa 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

vuukle comment

BARIL

HULE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with