^

Police Metro

Ayuda sa ‘Paeng’ victims maayos na ipamamahagi - DSWD

Angie dela Cruz - Pang-masa
Ayuda sa ‘Paeng’ victims maayos na ipamamahagi - DSWD
An aerial view shows flood-inundated houses at Capitol Hills in Alibagu, Ilagan city, Isabela province on October 31, 2022, after Tropical Storm Nalgae hit the region. The death toll from a storm that battered the Philippines has jumped to 98, the national disaster agency said October 31, with little hope of finding survivors in the worst-hit areas.
STR / AFP

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development  (DSWD) na maayos na maipamamahagi ang tulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng ahensya para sa mga biktima ng bagyong Paeng.

Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, sinusunod ng ahensya ang enhanced at simplified guidelines sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa tamang panahon at epektibong paraan.

“Ang gusto lamang ho natin ay maayos po ang pagbibigay ng ayuda, food pack man o cash assistance. Gusto ko po ay maayos at tuluy-tuloy at hindi na pinahihirapan ang ating mga kababayan,” sabi ni Tulfo.

Aniya, tanging kopya lamang ng valid ID ang kailangan o anumang alternative documents ang ipakikita para makakuha ng cash grants sa ilalim ng AICS program.

Dagdag ni Tulfo, ang mga biktima ng kalamidad na walang valid ID ay maaaring kumuha ng barangay certificate o patunay mula sa Social welfare officer para makakuha ng ayuda mula sa ahensya.

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with