^

Police Metro

Libreng sakay ng mga estudyante sa LRT-2 hanggang Sabado na lang

Mer Layson - Pang-masa
Libreng sakay ng mga estudyante sa LRT-2 hanggang Sabado na lang
The LRT-2 Antipolo station starts its operations on July 5, 2021 as part of the East Extension project in Antipolo City.
STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Hanggang bukas na lang (Nobyembre 5) ang Libreng Sakay Program para sa mga estudyante ng Light Rail Transit Authority (LRTA).

Ito ang ipinaalala ng LRTA sa publiko kahapon, sa pamamagitan ng isang advisory na ipinaskil nito sa kanilang social media accounts.

“Libreng sakay para sa mga estudyante, hanggang sa Nobyemre 5 na lamang,” paabiso pa ng LRTA.

Ayon sa LRTA, sa ngayon ay umabot na sa 1,527,219 ang nakinabang sa libreng sakay ng LRT-2, sa loob lamang ng 58 na araw, o simula nang ipatupad ang programa.

Matatandaang ipinatupad ng pamahalaan ang libreng sakay noong Agosto 22, o ang unang araw nang pagbabalik-eskwela ng mga estudyante, alinsunod na rin sa kautusan ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr..

Layunin nitong makatulong sa mga mag-aaral na naapektuhan ang pag-aaral ng pandemya gayundin ng mga magulang sa gitna ng tumataas na presyo ng gasolina at pangunahing bilihin.

Hindi naman sakop ng programa ang kanilang mga guardians at ang mga nag-aaral sa graduate schools.

Sinabi ng LRTA na kahit tapos na ang kanilang libreng­ sakay program ay maaari pa rin namang mag-avail ang mga estudyante ng 20% na diskwento kung sasakay ng mga tren ng LRT-2 simula sa Nobyembre 6.

FREE RIDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with