^

Police Metro

Utang ng Pinas sumirit sa P13.52 trilyon

Malou Escudero - Pang-masa
Utang ng Pinas sumirit sa P13.52 trilyon
A money changer employee shows a hundred dollar bill at their shop in Quezon City on September 23, 2022.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Dahil sa paghina ng halaga ng piso kontra dol­yar ay lalo pang lumobo ang utang ng Pilipinas noong katapusan ng Set­yembre.

Ayon sa Bureau of Treasury, tumaas ng 3.8 porsyento ang utang ng Pilipinas hanggang sa ka­tapusan ng Setyembre dahil sa pagbaba ng halaga ng piso laban sa US dollar.

Ang kabuuang utang ay umabot sa P13.52 tril­yon noong Setyembre na mas mataas ng P495.54 bilyon kumpara sa P13.02 trilyon noong Agosto, ayon sa Treasury.

Mula sa kabuuang “debt stock”, 31.2 por­syento o P4.22 trilyon ang mula sa labas ng bansa habang 68.6 por­syento o P9.30 trilyon ay domestic borrowings, ayon sa datos ng gobyerno.

Nakasaad din sa inilabas na statement na ang pagtaas sa antas ng panlabas na utang ay dahil sa P179.69 bilyon na epekto ng pagbaba ng halaga ng lokal na pera laban sa USD.

“Ito ay bahagyang na-offset ng P30.62 bil­yon na epekto ng pagbaba ng ikatlong pera laban sa USD at nitong pagbaba­yad na nagkakahalaga ng P10.8 billion,” sabi ng Treasury.

Sa pagtatapos ng Agosto, ang piso ay nasa P56.171 ang halaga kontra sa $1 at P58.646 noong Set­yembre.

Bumaba ang piso sa record low na P59 noong Oktubre bago bumaba sa humigit-kumulang P58 hanggang $1 level nitong mga nakaraang linggo.

Inaasahan ng mga analyst ang pagpasok ng mga remittances at business process outsourcing (BPO) receipts sa fourth quarter upang pansaman­talang suportahan ang piso.

UTANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with