^

Police Metro

Pagawaan ng paputok sa Bulacan, sumabog: 8 sugatan

Omar Padilla - Pang-masa
Pagawaan ng paputok sa Bulacan, sumabog: 8 sugatan
Nagkalat ang mga sumabog na paputok sa isang pagawaan, naganap kahapon ng umaga sa Sitio Manggahan, Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria Bulacan. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na ang mga nakatagong paputok na nakalagay sa isang parte ng bahay ang pinagmulan ng pagsabog.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Walong katao ang iniulat na nasugatan matapos uma­nong sumabog ang pagawaan ng paputok sa Sitio Manggahan, Brgy. Pulong Buhangin, Santa Maria, Bulacan, kahapon.

Sa inisyal na ulat ni Acting Bulacan Police Director P/Col. Relly Arnedo, naganap ang pagsabog, ala-1:00 kahapon sa GLK Fireworks na matatagpuan sa nasabing lugar.

Ayon sa mga residente na malapit sa lugar na sila ay nakarinig ng malakas na pagsabog at pagyanig na kung saan ay nakita ang makapal na usok.

Ang mga nasugatan at nagtamo ng severe injury ay pawang mga empleyado ng nasabing pagawaan kasama ang may-ari ng bahay na nakilalang sina Jessie Cruz, 52; Lourdes Policarpio 43; Monrenzo Victoria, 26; Marissa Victoria, 58, na pawang mga ginagamot sa Rogaciano Mercado Memorial District Hospital.

Ang apat pang nagtamo ng minor injury at ginagamot sa Pulong Buhangin Clinic ay sina Teofila Horfilla, 58, Mary Ann Horfilla, 27, Amanda Vicente, 61; at Christine Bellera Amper, 35.

Aksidente umanong nag-spark ang ginagawa nilang five star at doon na sumiklab ang mga ginagawa nilang paputok hanggang sa ito ay sumabog.

Walang iniulat na nasawi sa naganap na pagsabog at inaalam pa ng mga otoridad ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng nasabing pagsabog.

FIREWORKS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with