^

Police Metro

7 trak ng basura sa mga sementeryo nakolekta ng MMDA

Ludy Bermudo - Pang-masa
7 trak ng basura sa mga sementeryo nakolekta ng MMDA
Ito anya ay mga iniwang basura ng mga tao na bumi­sita sa libingan ng kanilang yumaong mahal sa buhay sa paggunita ng Undas sa bansa na may katumbas na 24.2 tonelada o 85.2 cubic meters ng basura.
File

MANILA, Philippines — Nasa 7 trak ng basura mula sa iba’t ibang libingan­ sa Metro Manila ang nako­lekta na kahapon ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ito anya ay mga iniwang basura ng mga tao na bumi­sita sa libingan ng kanilang yumaong mahal sa buhay sa paggunita ng Undas sa bansa na may katumbas na 24.2 tonelada o 85.2 cubic meters ng basura.

Inihalimbawa ni MMDA supervising officer for ope­rations Bong Nebrija na ang ahensya ay nakapaghakot ng 5.25 toneladang basura mula sa Manila North at South Cemetery, Loyola Memorial Park, Libingan ng mga Bayani, San Juan City Cemetery at Bagbag Cemetery kumpara sa 27 truckloads o 162 tonelada ng basurang nakolekta noong nakaraang taon.

Nagpapatuloy pa ang paglilinis ng mga tauhan ng MMDA sa mga semen­teryo.

Kasabay nito ang pakiusap ng ahensiya sa mga dadalaw pa sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay na maging responsable sa kanilang mga basura.

GARBAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with