^

Police Metro

Higit 500 toneladang barya winasak ng BSP

Danilo Garcia - Pang-masa
Higit 500 toneladang barya winasak ng BSP
Nagsagawa ng coin defacement ang BSP sa mga baryang tinuturing na unfit, demonetized, muti­lated at counterfeit (UDMC) noong Setyembre at Oktubre 2022 upang mapa­natili ang integridad ng Philippine currency.
Jedidea Jimelle, Philippines News Agency / File

MANILA, Philippines — Winasak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mahigit 500 tonela­dang barya sa nakalipas na dalawang buwan.

Nagsagawa ng coin defacement ang BSP sa mga baryang tinuturing na unfit, demonetized, muti­lated at counterfeit (UDMC) noong Setyembre at Oktubre 2022 upang mapa­natili ang integridad ng Philippine currency.

Ayon sa pahayag ng central bank na umabot sa 519.93 tonelada ng UDMC ang niretiro sa nasabing panahon.

Tinatayang 364 tonelada ang tinuturing na ‘unfit,’ 128 tonelada naman ang ‘mutilated’ o sira, 21 tonelada naman ang peke at 7 tonelada ang demo­netized o wala nang halaga.

Ang coin defacement ay ginagawa sa pamama­gitan ng paggamit ng ma­kina para mabago ang ha­rapan ng barya upang hindi na ito maibalik sa sirku­lasyon.

Ang mga defaced coin ay maaaring i-recycle depende sa sangkap nito.

“To reinforce its continuing efforts to maintain and protect the integrity of Philippine currency, the BSP is also seeking the enactment of a law defi­ning and penalizing the excessive and unnecessary hoarding of coins,” hirit ng BSP.

Patuloy ang panawagan ng BSP sa mga konsyumer na paikutin sa merkado ang mga barya na ikinukonsidera pa ring legal tender at gamitin sa pagbabayad. 

Huwag ipunin ito dahil sa maaaring mawalan ito ng halaga pagtagal ng panahon.

vuukle comment

BSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with