Higit 3 milyong kustomer nawalan ng kuryente sa bagyong Paeng - Meralco
MANILA, Philippines — Nakaranas ng pagkawala ng kuryente sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Paeng ang mahigit tatlong milyong kustomer ng Manila Electric Company (Meralco) sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Sa abiso ng Meralco, nabatid na hanggang alas-6:00 ng gabi ng Sabado ay umaabot na sa 3,279,416 kustomer nila ang nakaranas ng pansamantala at sustained power interruptions.
Sa nasabing bilang, 839,231 ang apektado pa rin ng power interruptions sa bahagi ng Laguna, Quezon, Batangas, Cavite, Metro Manila, Rizal, Bulacan at Pampanga.
Kaagad namang humingi ng paumanhin ang Meralco dahil sa pagkaantala ng pagbabalik ng serbisyo ng kuryente sa kanilang mga kustomer.
“We ask for our customers’ patience and understanding since we could not give a definite time on when service will be restored. For safety reasons, we have to wait until the strong winds and heavy rainfall subsides before restoration activities in some areas resume,” ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.
- Latest