Walang problema sa lifestyle check — Bantag

Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag rides a horse while inspecting the vicinity of the New Bilibid Prison in Muntinlupa City on Friday.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — “Walang problema ‘yun, kung ‘yun po ang hinihi­ngi eh di ‘yun po ang ibi­bigay natin.”

Ito ang sagot ng sus­pendidong si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag na handang sumailalim sa lifestyle check kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa kaso ng pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon kay Bantag, bukas siya sa kahit na anong imbestigasyon at imbitasyon hangga’t makakatulong sa paglutas sa kaso ni Lapid.

Sinuspinde si Bantag dahil sa pagkamatay ng inmate na si Jun Villamor  sa New Bilibid Prison na tinukoy ng gunman na si Joel Escorial na middleman sa pagpatay kay Lapid.

Kabilang din si Bantag­ sa 160 ‘persons of  interest­’ ng PNP sa pagpatay sa broadcaster na ilan din dito ay mga politiko.

Sinabi ni Bantag na alam niyang darating ang ganitong scenario dahil ang kalaban niya ay mga drug lords at sindikato.

Sa katunayan, minsan nang binanggit sa kanya ni dating pangulong Duterte na naghahari na ang narco politiics sa bansa.

Matatandaan na isa si Bantag sa nakatanggap­ ng kritismo ng napatay­ na commentator na si Percy­ Lapid sa programa sa radyo, dahil sa kanyang kayama­nan kasabay ng panunung­kulan sa BuCor.

Itinanggi rin ni Bantag na nagmamay-ari siya  ng  maraming sasakyan at nakatira sa isang exclusive subdivision. Bagama’t hindi binanggit ni Lapid ang kanyang pangalan, alam ni Bantag na siya ang pinatutungkulan nito.

Show comments