Pagdagsa ng mga biyahero sa Undas, asahan - DOTr

Nililinis ng mga kaanak ang puntod ng yumao nilang mahal sa buhay sa South Ce­metery bago ang paggunita ng All Saint’s Day. Ang paglilinis ng mga puntod sa mga sementeryo sa Maynila ay hanggang Oktubre 25 na lang.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Handa na ang sektor ng transportasyon sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero na uuwi sa kani-kanilang probinsiya sa Undas.

Ito ang tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista kaya naman ay pinalawak na nila ang air, land at sea travel units upang ma-accommodate ang bilang ng mga pasahero na inaasahang bibiyahe sa Undas.

Ani Bautista, ang mga paliparan ay naghanda na ng mas maraming flights, gayundin ang land transportation, na magpapabiyahe ng mas maraming bus at mga jeepney.

Ang mga barko ­aniya, lalo na ang mula sa Batangas patungong Mindoro at iba pang destinasyon sa South Luzon ay naghanda na rin ng suporta para sa pangangailangan ng mga mananakay sa Undas.

Maglulunsad na rin aniya ngayong linggong ito ang mga travel ports ng kanilang taunang “Oplan Biyaheng Ayos” para sa pagkakaloob ng tulong na maaaring kailanganin ng mga biyahero.

Show comments