Bulkang Mayon; Alert Level 2, nananatili
MANILA, Philippines — Sa nakalipas na 24 oras ay nakapagtala pa ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng isang volcanic earthquake sa Bulkang Mayon.
Sa inilabas na 8AM bulletin, iniulat ng Phivolcs na ang bulkan ay patuloy na nakakapagtala ng “increased unrest” simula nang itaas ang alert level status nito sa Alert Level 2 noong Biyernes.
“In the past 24-hour period, the Mayon Volcano Network recorded one (1) volcanic earthquake. Moderate emission of white steam-laden plumes that crept downslope before drifting to the west-southwest and west was observed,” anang Phivolcs.
“Sulfur dioxide (SO2) emission was last measured at an average of 391 tonnes/day on 01 October 2022. Based on ground deformation parameters from EDM, Precise Leveling, electronic tilt and continuous GPS monitoring, Mayon Volcano has been slightly inflated since 2020,” wika ng Phivolcs.
Kaugnay nito, sinabi ng Phivolcs kahapon na nananatili pa rin ang naturang bulkan sa Albay, sa ilalim ng Alert Level 2.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer-radius Permanent Danger Zone (PDZ) upang maiwasan ang panganib mula sa biglaang pagsabog ng bulkan, gayundin sa pagkakaroon ng rockfall at landslides.
Sakali naman umanong magkaroon ng ash fall na maaaring makaapekto sa mga komunidad, pinayuhan ng Phivolcs ang publiko na takpan ang kanilang ilong at bibig ng malinis at mamasa-masang tela, o kaya ay gumamit ng dust mask.
- Latest