Riders mayroon ng exclusive lane sa Commonwealth Avenue
MANILA, Philippines — Makakaiwas na sa aksidente ang mga motorcycle rider matapos aprubahan ng Metro Manila Council (MMC) ang eksklusibong lane para sa kanila sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City.
Ito ang inihayag kahapon ni 1 Rider Partylist Rep. Ramon Rodrigo “Rodge” Lorejo Gutierrez nang ianunsyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong Oktubre 19 ang planong maglagay ng eksklusibong lane para sa mga motorsiklo, bisikleta at Public Utility Vehicles (PUVs).
Ang outermost o pinakalabas na linya sa kahabaan ng Commonwealth Avenue ay para sa mga bicycle riders, ang susunod na lane ay para sa mga PUV’s habang ang ikatlong lane ay para naman sa motorcycle riders.
Base sa Road Crash Statistics ng MMDA Traffic Engineering Center, nasa kabuuang 1,010 motorcycle-related accidents ang nangyari sa kahabaan ng Commonwealth Avenue mula Enero hanggang Agosto 2022.
Magugunita na ang dating implementasyon ng motorcycle lane ay hindi eksklusibo kaya isinulong ng 1 Rider Partylist ang nasabing inisyatibo upang makaiwas sa mga sakuna ang mga riders.
- Latest