Simula sa Nobyembre...
MANILA, Philippines — Simula sa buwan ng Nobyembre ay maglalagay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga exclusive motorcycle lanes sa ilang kalsada sa Metro Manila.
Ito ang sinabi ni MMDA acting chairman Carlo Dimayuga III at isa dito ang Commonwealth Avenue sa Quezon City na unang lalagyan ng motorcycle lane na makatutulong upang mabawasan ang aksidente at mapabuti ang daloy ng trapiko.
Isa ito sa resulta ng konsultasyon ng ahensya sa mga motorcycle groups at iba pang stakeholders na sinuportahan naman ni 1-Rider party-list Representative Bonifacio Bosita.
Ayon kay Bosita, nais din ng mga motorcycle riders ang pagkakaroon ng exclusive motorcycle lanes para sa kanilang kaligtasan.
Pinag-aaralan na rin ng MMDA ang paglalagay ng motorcycle lane sa EDSA.Kalahati sa mga nagsisiksikang sasakyan dito ay mga pribado, 38 percent ang motorsiklo at 4.5 percent naman ang mga taxi.
Nitong 2021, nakapagtala ng mahigit 26,000 aksidente sa kalsada sangkot ang mga motorsiklo.