Marilao mayor todas sa poste ng ilaw

Nasa kritikal na ka­lagayan ang driver/ bodyguard nitong si P/SSgt. Rodel Gojo Alcantara, 48, ng Sta. Maria, Bulacan at secretary na si Karen Bonifacio.
Graphic by Philstar/John Villamayor

MANILA, Philippines — Nasawi ang mayor ng Marilao, Bulacan habang sugatan naman ang driver/ bodyguard at sekretarya nito matapos sumalpok ang sasakyan nila sa isang poste ng ilaw sa kahabaan ng Prince Balagtas Avenue, Clark Freeport Zone, Mabalacat City, Pampanga, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na idi­neklarang dead on arrival sa ospital ay nakilalang si Mayor Ricardo Silvestre, 65.

Nasa kritikal na ka­lagayan ang driver/ bodyguard nitong si P/SSgt. Rodel Gojo Alcantara, 48, ng Sta. Maria, Bulacan at secretary na si Karen Bonifacio.

Base sa imbestigas­yon, bago naganap ang road accident, alas-5:39 ng hapon ay lulan ng puting Toyota Land Cruiser (CAP-3127) na minamaneho ni Alcantara at habang binabagtas ang nasabing lugar ay nakita ng ilang residente sa lugar na nagpasuray-suray ang sasakyan bago tuluyang sumalpok sa poste.

Nagawa pang maisugod sa Medical City, Clark Freeport Zone ang alkalde at driver nito ng mga rumes­pondeng CDC Medics subalit bandang alas-7:10 ng gabi ay binawian ng buhay si Silvestre.

Ayon sa teorya ng pulis­ya na posibleng nakatulog ang driver na naging dahilan ng aksidente.

Show comments