MANILA, Philippines — Nagbuga ng 391-toneladang asupre ang Bulkang Mayon sa loob ng nagdaang 24-oras at pinanatili ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Alert Level 2 status sa bulkan.
Ayon sa Phivolcs, ang bulkang Mayon ay nakapagtala rin ng bahagyang pagluwa ng white steam-laden plumes habang wala namang naitatalang volcanic quakes sa nakalipas na 24-oras.
Ayon sa Phivolcs, bagama’t walang volcanic quakes na naitala sa naturang bulkan, kailangan pa ring mag-ingat ang mga residenteng nakatira malapit dito upang makaiwas sa anumang aberya sakaling mag-alboroto nang todo ang bulkan.
Giit ng may current unrest pa rin na naitala sa bulkan bunga ng shallow magmatic processes na maaaring magdulot ng phreatic eruptions o posibleng magkaroon ng hazardous magmatic eruption.
Bunga nito, patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng mga tao sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone.
Pinaalalahanan din ang mga residente na naninirahan malapit sa bulkan na takpan ng malinis na tela o dusk mask kapag nagkaroon ng ash fall mula sa bulkan
Ipinagbabawal din ng Phivolcs ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bunganga ng bulkan.