^

Police Metro

ML player inaresto sa online sexual exploitation ng 14-anyos na estudyante

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police’s Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang isang 35-anyos na Mobile Legend player matapos ireklamo ng sexual exploitation ng ina ng 14-anyos na kanyang nakilala sa nasabing mobile game.

Kinilala ang suspek na si Estelito Piolino Gibaga Jr. na may in-game name (IGN) na “Steel Gibaga” na dinakip sa loob ng isang motel sa West Point St., E. Rodriguez, District III, Quezon City, alas-4:30 ng hapon.

Batay sa ulat, nagkakilala si Gibaga at ang biktima na Grade 9 student noong Agosto sa isang public chat ng ML.

Nagpatuloy ang usapan ng suspek at biktima hanggang sa mauwi sa umano’y “romantic relationship”.

Dito na rin nagsimula ang pagpapadala ng mga mala­laswang larawan ng suspek sa biktima at inutusan ang biktima na magpadala rin ng kanyang mga hubad na larawan.

Setyembre 6 nang madiskubre ng ina ng biktima ang relasyon at inamin naman ng kanyang anak ang mga pina­gagawa ng suspek.

Bunsod nito, isinagawa ang entrapment operation nang magkasundo ang suspek at biktima na magkita sa isang establisimyento sa Cubao.

Nang papasok sa isang hotel, dito na inaresto ang suspek. Nahaharap si Gibaga sa paglabag sa Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), RA 9775 (Anti-Child Pornography Act of 2009), at Article 286 (Grave Coercion) of Revised Penal Code all in relation to RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

SEXUAL EXPLOITATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with