^

Police Metro

Presyo ng bilihin, serbisyo sumirit sa 6.9%

Angie dela Cruz - Pang-masa
Presyo ng bilihin, serbisyo sumirit sa 6.9%
“Ang dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Setyembre 2022 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beve­rages. Ito ay may 7.4% inflation at 70.6% share sa pagtaas ng pangkalahatang­ inflation sa bansa,” saad ni Mapa.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lalo pang sumirit ang presyo ng bilihin at serbisyo noong Setyembre.

Sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na naitala ang 6.9 percent inflation noong nakaraang buwan, kumpara sa 6.3 percent noong Agosto.

Kapantay ito ng inflation rate sa kasagsagan ng pagsipa sa presyo ng bigas noong Oktubre 2018 at halos maabot na ang pinakamataas na 7.2 percent na naitala noong Peb­rero 2009.

“Ang dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Setyembre 2022 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beve­rages. Ito ay may 7.4% inflation at 70.6% share sa pagtaas ng pangkalahatang­ inflation sa bansa,” saad ni Mapa.

Kabilang sa naging­ sanhi ng mataas na infla­tion­ rate ay ang presyo ng gulay, isda, asukal, con­fectionary­ at iba pa. Nakadagdag din sa pagsipa ng inflation ang housing, tubig, kuryente at ang mataas na presyo ng pro­duktong petrolyo.

Noong nakaraang buwan, hinagupit ng Super­ Bagyong ‘Karding’ ang malaking bahagi ng Luzon­ na nagresulta ng P3.12 bil­yong halaga ng pinsala sa agrikultura.

INFLATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with