^

Police Metro

Pinsala ni ‘Karding’ sa imprastraktura, higit P135 milyon na

Danilo Garcia - Pang-masa
Pinsala ni ‘Karding’ sa imprastraktura, higit P135 milyon na
This handout photo taken and released by the Presidential Photographers' Division on Monday, Sept. 26, 2022 shows an aerial view of a flooded area in Central Luzon in the aftermath of Typhoon Noru (Karding).
Malacañang photo via AFP

MANILA, Philippines — Iniulat ng Department­ of Public Works and Highways (DPWH) na umabot na sa mahigit P135 mil­yon ang naging pinsala sa imprastraktura tulad ng mga kalsada, tulay at flood-control structures sa pagbayo ng Bagyong ‘Karding’.

Sa datos, nasa P34.71 milyong halaga ang nasira sa mga national roads, P22.39 milyon naman sa mga tulay at P77.99 mil­yon sa mga ‘flood-control structures’.

Pinakamalaki ang na­ging pinsala sa imprastraktura sa Cordillera Admi­nis­trative Region (CAR) na nasa P19.6 milyon; ka­sunod ang P9.11 milyong­ pinsala sa Region 2; P91.38 milyon sa Region 3; P3 milyon sa Region 4-B; at P12 milyon sa Region 6.

Samantala, limang na­tional road section ang nananatiling sarado sa trapiko tulad ng Kennon Road sa Benguet; Cabagan-Sta. Maria Overflow Bridge sa Isabela; Nueva Ecija-Aurora Road, Diteki Ri­ver Detour Road; Baliwag Candaba-Sta. Ana Road, Brgy. San Agustin, Can­daba, Pam­panga; Hamtic-Bia-an-Egaña-Sibalom Road, Egaña Bridge sa Brgy. Egaña-Buhang, Si­balom, Antique.

Limitado naman ang access sa tatlong kalsada kabilang ang Gapan Ft. Magsaysay Road, Brgy. Padolina, General Tinio na maaari lamang daanan ng mga light vehicles dahil sa mga bumagsak na electric post.

Ang Candaba-Sana Mi­guel Road sa Pampanga ay maaari lamang daanan ng malalaking sa­sakyan dahil sa baha at ang Angeles-Porac-Flo­ridablanca Dinalupihan­ Road, Mancantian Bridge sa Pampanga ay hindi pa rin madaanan ng mga light vehicles dahil sa pagbaha.

DPWH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with