MANILA, Philippines — Kung hindi umano mabibigyan ng pondo ay posibleng magsara sa darating na Enero ng susunod na taon ang IBC 13 television station.
Ito ang sinabi ni 2nd District Marikina City Rep. Stella Quimbo, Vice Chairman ng House Committee on Appropriations na nagdesisyon na ang Department of Budget and Management (DBM) na huwag ng pondohan ang IBC dahilan sa inaasahang pagsasapribado nito.
Pursigido pa rin ang sponsor ng panukalang pondo ng Office of the Press Secretary na mahanapan ng solusyon ang pagpopondo para sa IBC 13.
Nabatid na sa oras naman na maibenta ng hindi bababa sa P2 milyon ang mapagbebentahan ay gagamitin naman sa pagpapalakas ng PTV 4.
Gayunman, hindi maibenta ang IBC sa kasalukuyan nitong estado kung saan iminungkahi.
Idinagdag pa ng mambabatas na hiniling na ng OPS na mabigyan ng badyet ang naturang tv network upang kanilang mapaganda at magawan ng mga programa at makabenta ng airtime at mapataas ang value nito.