^

Police Metro

Generators ideploy sa limitado ang suplay ng kuryente - Bongbong Marcos

Malou Escudero - Pang-masa
Generators ideploy sa limitado ang suplay ng kuryente - Bongbong Marcos
A resident carries belongings while evacuating from his submerged home in the aftermath of Super Typhoon Noru in San Ildefonso, Bulacan province on September 26, 2022.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — “Mag-deploy ng mas maraming generators na may gasolina sa mga lugar sa Nueva Ecija at Aurora na limitado ang supply ng kuryente na sinalanta ng Bagyong Karding.”

Ito ang naging kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Ener­gy (DOE) sa isang situation briefing kasama ang mga matataas na opisyal ng gobyerno sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) headquarters sa Quezon City.

Sinabi ni DOE Secretary Raphael Lotilla na bukod sa Nueva Ecija at Aurora, ang iba pang probinsyang nahaharap sa problema sa suplay ng kuryente ay ang Tarlac, Zambales, Pampanga at Quezon.

Sinabi ni Lotilla na bagaman nakaligtas sa bagyo ang mga pangunahing generation plants, ilang lugar ang nananati­ling bahagyang apektado ng mga isyu sa suplay ng kuryente.

Ayon kay Marcos, sa tingin niya ay magtatagal bago tuluyang maibalik ang kuryente at inutusan ang DOE na maglagay ng “stopgap measures” tulad ng pagde-deploy ng mas maraming generators na may gasolina.

Pinaalalahanan din ni Marcos ang National Irrigation Administration at ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System na mag-ingat sa pagpapalabas ng tubig mula sa parehong Ipo at Magat dam upang maiwasan ang malawakang pagbaha.

DOE

SUPPLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with