^

Police Metro

Pag-alis ng mga Chinese-POGO sa ‘Pinas, pinaplantsa na

Danilo Garcia - Pang-masa
Pag-alis ng mga Chinese-POGO sa âPinas, pinaplantsa na
File photo shows a typical office of a licensed Philippine Offshore Gaming Operator or POGO.

DOJ at Chinese Embassy nagpulong

MANILA, Philippines — Inumpisahan na ng Pi­lipinas sa pamamagitan ng Department of Justice  (DOJ) at Chinese government ang pagbalangkas sa “exit plan” para sa mga Chinese workers ng mga ipinasarang Philippine Overseas Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Sa ulat, nakipagkita na si Justice Secretary Jesus­ Crispin Remulla sa mga opisyal ng Chinese Embassy at inumpisahan na ang pagbalangkas sa planong pag­papauwi sa mga Chinese nationals na “overstaying­” sa Pilipinas makaraang ma­ipasara ang mga pinapasukang POGO companies.

Isinagawa ang pulong nina Remulla at Chinese Embassy Charge D’Affaires Ad Interim Zhou Zhiyong sa DOJ head office sa Maynila at ilan sa mga napag-usa­pan ay ang posibleng “time­line” ng repatriation o pag­papauwi sa mga Tsino ka­bilang na kung kailan ito isasagawa at kung ito ay gagawin ng “by-batch”.

Bineberipika pa rin nga­yon ng DOJ ang pagkakakilanlan ng mga Tsino at kung tutugma sa datos mula sa China ay uumpisahan na ang pagpapauwi sa kanila.

Sinabi ni Remulla na halos 300 na ang nasa ka­nilang kustodiya at inaasahan na dadami pa ito para sa deportasyon.

“We expect more to be there for deportation later on kapag nag-all out tayo, kasi we are collating a lot of information now, we are doing surveillance,” saad ni Remulla.

Magiging masusi umano ang gagawin nilang imbes­tigasyon sa mga Tsino.  Ina­asahan naman na maisasagawa na ang unang batch ng mga ipade-deport sa Oktubre.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with