Freelance workers bill ok na sa labor panel
MANILA, Philippines — Upang mabigyan ng “legal and contractual protection” ang mga freelance workers ay inaprubahan sa ‘Committee on Labor and Employment’ ng Kamara ang panukalang ‘Freelance Workers’ Protection bill’ (HB 2821).
Binalangkas ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, ang HB 2821 na nagsusulong para protektahan ang mga karapatan at kapakanan ng mga ‘freelance workers,’ tiyakin ang makataong kalagayan at wastong bayad sa kanila kapag ayaw silang bayaran ng kanilang pinaglilingkuran.
Pinagtibay na ng Kamara ang naturang panukalang batas noong ika-18 Kongreso ngunit hindi nakumpleto ang pagsasabatas nito. Ayon kay Salceda, sa ilalim ng umiiral na Labor Code, walang probisyon tungkol sa ‘freelancing’ at wala ring legal na panuntunan kaugnay nito, kahit na lampas na sa 1.5 milyon ang bilang ng mga Pilipinong ‘freelancers’ bago pa nagkapandemya.
- Latest