Ilang kalsada sa Metro Manila lubog sa baha — MMDA

Sinabi ng state weather bureau PAGASA na ang Southwest Monsoon (Ha­bagat) ay nakakaapekto sa Central at Southern Luzon at magdadala ng mga pag-ulan sa buong bansa.
Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Iniulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ilang mga kalsada sa Metro Manila ay hanggang gutter ang baha bunsod ng malakas na pag-ulan dala ng Habagat ka­hapon.

Ilan sa mga ito ay ang EDSA-POEA southbound MIA-Domestic pa­kanluran EDSA-Ortigas southbound sa harap ng POEA EDSA-Ortigas north­­bound sa ramp at southbound off ramp.

Lagpas-gutter-deep na baha rin ang naiulat sa E. Rodriguez-Araneta northbound pagkatapos ng intersection.

Sinabi ng state weather bureau PAGASA na ang Southwest Monsoon (Ha­bagat) ay nakakaapekto sa Central at Southern Luzon at magdadala ng mga pag-ulan sa buong bansa.

Dagdag pa ng weather bureau na maaaring magpaulan ang habagat sa loob ng dalawang araw.

Nagresulta ang ulan at baha ng kanselasyon ng klase sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Luzon at National Capital Region.

Show comments