Ilang kalsada sa Metro Manila lubog sa baha — MMDA
MANILA, Philippines — Iniulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ilang mga kalsada sa Metro Manila ay hanggang gutter ang baha bunsod ng malakas na pag-ulan dala ng Habagat kahapon.
Ilan sa mga ito ay ang EDSA-POEA southbound MIA-Domestic pakanluran EDSA-Ortigas southbound sa harap ng POEA EDSA-Ortigas northbound sa ramp at southbound off ramp.
Lagpas-gutter-deep na baha rin ang naiulat sa E. Rodriguez-Araneta northbound pagkatapos ng intersection.
Sinabi ng state weather bureau PAGASA na ang Southwest Monsoon (Habagat) ay nakakaapekto sa Central at Southern Luzon at magdadala ng mga pag-ulan sa buong bansa.
Dagdag pa ng weather bureau na maaaring magpaulan ang habagat sa loob ng dalawang araw.
Nagresulta ang ulan at baha ng kanselasyon ng klase sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Luzon at National Capital Region.
- Latest