Presyo ng diesel at kerosene bababa, gasolina tataas
MANILA, Philippines — Sa susunod na linggo ay asahan na muling magkakaroon ng pagbaba sa presyo ng produktong diesel at kerosene, pero tataas naman ang presyo ng gasolina.
Ayon sa mga kumpanya ng langis, inasahang bababa ang presyo ng diesel ng may P2.80 hanggang P3.10 kada litro at bababa ng P3 kada litro sa kerosene, samantalang ang presyo ng gasolina ay tataas ng P0.30 hanggang P0.60 kada litro.
Kinumpirma naman ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director Rino Abad na inaasahang bababa ang presyo ng diesel at kerosene sa susunod na linggo pero hindi pa tiyak kung tataas o bababa ang presyo ng gasolina. Ang paggalaw ng presyo ng petrolyo ay dulot ng pagbaba ng piso kontra dolyar.
- Latest