MANILA, Philippines — Mahigpit na pinaalalahanan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan ng pagbili o paggamit ng luxury vehicles sa kanilang mga operasyon.
Ayon kay DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. sa mga LGU officials na panatilihin ang pag-iingat sa kilos at tiyakin na nakasusunod sa budgetary procurement at auditing laws.
“Manatili po tayong matipid sa pagpili ng sasakyan lalo na’t hindi pa tayo nakakabangon sa masasamang epekto sa ekonomiya ng pandemya ng COVID-19,” ani Abalos.
“Dapat po tayong maging halimbawa sa ating mga nasasakupan sa masinop na paggamit ng pondo ng bayan,” dagdag pa niya.
Anya, sa halip na mamahaling sasakyan ay dapat ikonsidera na ang bibilhing service vehicle ay mura, matipid sa gasolina, environment friendly at matibay pa.