^

Police Metro

DILG sa LGU: ‘Wag gumamit ng luxury cars!

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mahigpit na pinaalalahanan ng Department of Interior and Local Govern­ment (DILG) ang mga lokal na pamahalaan ng pagbili o paggamit ng luxury­ vehicles sa kanilang mga operasyon.

Ayon kay DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. sa mga LGU officials na panatilihin ang pag-iingat sa kilos at tiyakin na nakasusunod sa budgetary procurement at auditing laws.

“Manatili po tayong matipid sa pagpili ng sasakyan lalo na’t hindi pa tayo nakakabangon sa masasamang epekto sa ekonomiya ng pandemya ng COVID-19,” ani Abalos.

“Dapat po tayong ma­ging halimbawa sa ating mga nasasakupan sa masinop na paggamit ng pondo ng bayan,” dagdag pa niya.

Anya, sa halip na ma­mahaling sasakyan ay dapat ikonsidera na ang bibilhing service vehicle ay mura, matipid sa gasolina, environment friendly at ma­tibay pa.

DILG

LUXURY CARS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with