JV pumiyok sa buntis na chief of staff

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ni Sen. JV Ejercito ang espekulasyon na nakabuntis siya ng kanyang chief of staff.

Ito ang reaksyon ni Ejercito sa patutsada ng isang netizen sa social media na nakabuntis ito ng staff.

“Hahaha tahimik ka ata @jvejercito. Busy mag settle sa nabuntis mong chief of staff? Lol,” komento ng isang King sa Twitter.

“A big lie! Wag kayo gumawa ng istorya dahil may asawa po ang tao. Nanahimik kami ang nagtatrabaho wag kami idamay sa ganyang chismis,” sagot naman ni Ejercito. “Be responsible.”

Inulan naman ng batikos si Ejercito dahil sa akusasyon ng nasabing netizen.

May ilan ang nagsabing hindi pala totoo ang “The Good One” moniker ng senador. May nambuska naman na walang taste ang chief of staff.

Sabi naman ng iba, akala nila ay ang senador na hiniwalayan ng asawa ang siyang nakabuntis ng chief of staff.

Wala naman umanong balak na magsampa ng demanda ang senador laban sa nag-post nito dahil hindi nila nilalagay ang tunay na pagkakakilanlan.

Show comments