MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH) na wala pang pondo ang P1 bilyong COVID-19 Special Risk Allowance (SRA) para sa mga health workers sa loob ng dalawang taon makaraang tumama ang pandemya sa bansa.
Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa presentasyon ng panukalang pondo ng ahensya para sa 2023 sa Kongreso.
Nakikipag-ugnayan naman umano sila sa Department of Budget and Management (DBM) at hanggang ngayon ay naghihintay pa ng tugon nito.
Sinabi naman ni DBM Director Sofia Abad na nasa proseso pa ng ebalwasyon ang kahilingan ng DOH para sa SRA sa health workers.
Nanghingi umano sila ng dagdag na mga requirements na naisumite ng DOH nito lamang Setyembre 6.
Umabot na sa 400 health workers ang nasawi sa bansa mula nang tumama ang COVID-19 noong Marso 2020.