Nutribun Feeding Program palalakasin
MANILA, Philippines — Sa gitna ng mga programang pang-nutrisyon ng gobyerno na umano’y kulang sa sustansya ay nais ni Senador Imee Marcos na palakasin ang “Nutribun Feeding Program.”
Ito ang sinabi ni Marcos kasabay ng pagdiriwang nitong nakaraang linggo ng ika-105 kaarawan ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na nagsimula ng Nutribun Feeding Program noong dekada 70.
Ayon sa Senadora, lalo pang lumalala ang krisis sa pagkain sa buong mundo at dumarami ang bansot na bata.
Noong dekada 70 umano nang simulan ng kanyang ama ang programa ay maraming bansot na bata ang lumusog kaya dapat umanong ibalik ang ‘Nutribun Feeding Program’ na solusyon sa problema sa malnutrisyon ng mga bata.
Nakipagsanib-pwersa naman si Marcos sa National Nutrition Council na itinatag ng kanyang ama noong 1974, gayundin sa iba’t ibang mga lokal na pamahalaan, sa mga tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa bawat munisipyo at sa mga barangay health workers.
- Latest