MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga taong nakiisa sa pag-alala sa ika-105 kaarawan ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr. kahapon sa Libingan ng mga Bayani.
Ibinahagi ni Marcos sa kanyang opisyal na Facebook page ang mga larawan habang idinaraos ang misa para sa kanyang ama.
“Salamat sa taun-taon ninyong pagsama sa amin upang sariwain ang kanyang alaala at magpaabot ng inyong suporta. Makakaasa po kayo sa aking matapat at mahusay na paglilingkod upang matumbasan ang inyong tiwala at kumpiyansa,” pahayag ni Marcos.
Nakasama ng Pangulo sa misa sina dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos at iba pang miyembro ng pamilya Marcos, ilang mga kamag-anak, malalapit na kaibigan, dating Presidential Security Group (PSG) mga malapit na opisyal at matagal nang tagasuporta.
Idineklara ng Office of the President na isang espesyal (non-working) day ang ika-12 ng Setyembre 2022 sa lalawigan ng Ilocos Norte sa pamamagitan ng Proclamation No. 53, series 2022.