Imported chicken dadagsa, pagkalugi ng local producers ikinabahala

Sinabi ni San Diego na sa oras na pumasok ang mga imported chicken, magkakaroon ng over supply sa produktong  ito dahil malaki rin ang volume na naipo-produce ng mga local producers ng manok.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nangangamba ng matinding pagkalugi sa negosyo ang mga local producers ng manok dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga imported chicken kahit sapat pa ang supply sa bansa.

Ayon kay United Broilers Raisers Association chairman Gregorio San Diego Jr., posibleng malugi na sila at halos wala nang kitain sa pagnenegosyo ng manok dahil sa inaasahang pagdating  ng mga imported na manok sa bansa.

Sinabi ni San Diego na sa oras na pumasok ang mga imported chicken, magkakaroon ng over supply sa produktong  ito dahil malaki rin ang volume na naipo-produce ng mga local producers ng manok.

Aniya sa ngayon ang halaga ng dress chicken ay nasa P150 hanggang P200 kada kilo samantalang ang farm gate ng produktong manok ay  nasa P106 hanggang P110  lamang.

“At that price, we are no longer making money. ” sabi pa ni San Diego.

Hindi rin aniya in-demand ngayon ang manok at hindi gaanong mabenta ang litson manok sa mga tindahan.

Kung dadagsa anya ang imported na manok sa kabila na kaya naman ng local chicken producers na punan ang pangangailangan ng mga consumers dito,  maaaring bumagsak pa ang presyo ng manok sa bansa at tuluyan na silang malugmok sa negosyo.

Show comments