MANILA, Philippines — Tumambad ang iba’t ibang kontrabando nang magsagawa ng Operation Greyhound sa Manila City Jail, kahapon ng umaga.
Bagama’t walang nasamsam na illegal na droga ay kabilang naman sa nasabat sa operasyon ay gaya ng kutsilyo at cutter, pang-ahit at toothbrush, ballpens at mga lapis, mga plais, bakal, mga basag na salamin at iba pa.
Ang malakihang Operation Greyhound na ito sa Manila City Jail ay isinagawa dalawang taon makalipas na pumutok ang COVID-19 pandemic.
Katuwang ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP sa operasyon ang Manila Police District o MPD at Bureau of Fire Protection o BFP, alinsunod na rin sa utos ni Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos.
Sa Manila City Jail, nasa 4,701 ang mga person deprived of liberty o mga PDL sa male dormitory; habang 1,040 na PDL sa female dormitory.