Bagong orchid sa SG ipinangalan kina Marcos at First Lady

Lubos ang pasasalamat nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at First Lady Louise Araneta-Marcos sa pamahalaan ng Singapore na isinunod sa kanilang pangalan ang bagong hybrid ng orchid na ‘Dendrobium Ferdinand Louise Marcos’.

MANILA, Philippines — Isinunod ang pangalan ng bagong hybrid ng orchid sa Singapore kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos.

Ipinaabot ni Marcos ang kanyang pasa­salamat sa kanyang opisyal na Twitter account kung saan nagbahagi pa sila ng ilang larawan.

Sinabi ni Marcos na lubos silang nag­pa­pa­salamat sa pamahalaan ng Singapore sa pagkakaroon ng ‘Dendrobium Ferdinand Louise Marcos’ orchid na pinanga­lanan bilang parangal sa kanya at sa Unang Ginang.

Ang bagong orchid na tinawag na Dendrobium Ferdinand Louise Marcos ay isang “robust and free-flowing orchid hybrid” na naglalabas ng semi-arching inflorescences na 50 hanggang 70 cm ang haba at mayroong 20 hanggang 30 bulaklak, at may sukat na tinatayang 4 cm ang lapad.

“We express our deepest gratitude to the government of Singapore for having the ‘Dendrobium Ferdinand Louise Marcos’ orchid named in honor of myself and the First Lady of the Philippines, my wife, Louise Araneta-Marcos,”ani Marcos sa kanyang post.

Show comments