Bagong orchid sa SG ipinangalan kina Marcos at First Lady
MANILA, Philippines — Isinunod ang pangalan ng bagong hybrid ng orchid sa Singapore kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos.
Ipinaabot ni Marcos ang kanyang pasasalamat sa kanyang opisyal na Twitter account kung saan nagbahagi pa sila ng ilang larawan.
Sinabi ni Marcos na lubos silang nagpapasalamat sa pamahalaan ng Singapore sa pagkakaroon ng ‘Dendrobium Ferdinand Louise Marcos’ orchid na pinangalanan bilang parangal sa kanya at sa Unang Ginang.
Ang bagong orchid na tinawag na Dendrobium Ferdinand Louise Marcos ay isang “robust and free-flowing orchid hybrid” na naglalabas ng semi-arching inflorescences na 50 hanggang 70 cm ang haba at mayroong 20 hanggang 30 bulaklak, at may sukat na tinatayang 4 cm ang lapad.
“We express our deepest gratitude to the government of Singapore for having the ‘Dendrobium Ferdinand Louise Marcos’ orchid named in honor of myself and the First Lady of the Philippines, my wife, Louise Araneta-Marcos,”ani Marcos sa kanyang post.
- Latest