^

Police Metro

Filing ng COC para sa BSKE simula na sa Oktubre

Danilo Garcia - Pang-masa
Filing ng COC para sa BSKE simula na sa Oktubre
Ang election period ay mag-uumpisa mula Oktubre 6 hanggang Disyembre 12 kung kailan ipatutupad rin ang Comelec gun ban.
STAR / Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Simula Oktubre 6 hanggang 13 ang itinakdang araw ng Commission on Elections (Comelec) sa pagsusumite ng ‘certificate of candidacy (COCs)’ para sa 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Pero, nilinaw ni Comelec chairperson George Garcia na walang ‘COC filing’ sa Oktubre 9.

Ang election period ay mag-uumpisa mula Oktubre 6 hanggang Disyembre 12 kung kailan ipatutupad rin ang Comelec gun ban.

Nilinaw ni Garcia na sa mga nakakuha ng ‘gun ban exemptions’ noong 2022, pinaplano na ng komisyon na palawigin ito hanggang sa BSKE elections.

Itinakda rin ang ‘campaign period’ mula ­Nobyembre 25 hanggang Disyembre 3 bago ang aktuwal na halalan sa Disyembre 5.

Kung matutuloy ang halalan at hindi magiging epektibo ang mga suhestiyon na suspindihin ito, mag-uumpisa ang halalan sa Disyembre 5 mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Ipinaalala rin ng Comelec na ang huling araw ng pagsusumite ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) ay sa Enero 4, 2023.

COC

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with